Lahat naman tayo ay gustong mamasyal pero marami sa atin nagtatanong paano mamasyal sa murang halaga. Alamin ang ilan sa mga tips paano makakuha ng murang vacation costs sa post na ito.
Ang bawat tour package ay may apat na component na dapat isama sa inyong pagkukwenta. Kung makakatipid ka sa kahit isa sa mga components na ito, malaki ang mababawas mo sa cost ng iyong bakasyon. Ang 4 components ng tour package ay:
- Airfare
- Hotel or Resort
- Tours
- Transfers
Sa airfare, mag-abang ka ng airfare promo or sale, ang Cebu Pacific, Air Asia , Air Philippines at iba pang low cost carriers ang mahilig dyan. Syempre ang sale ay nangyayari, mga 3months to 6 months bago gamitin ang ticket, kaya dapat maiplano ng maaga ang bakasyon. Hindi naman kailangang laging Piso Fare, meron ding P500 All In or P688 All In, mura pa din yun.
Sa Hotel or resort, depende yan sa location nila. Mas mura syempre pag malayo sa pasyalan, mas mahal pag malapit sa mall or sa beach, depende sa destinasyon. Piliin na lang yung medyo nasa hindi kalayuan para mas makatipid. Pag Low Season, mura ang mga ito, kaya lang hindi ka naman mag eenjoy sa destination kasi kaya sya low season, kung hindi tag ulan , eh bagyo season naman. Mas makakamura kayo kung grupo.
Ang tours or entrance fees sa mga pasyalan ay pareho lang, pwde mong bilhin sa mga booking office o sa mismong pasyalan.
Ang transfers mula sa airport , o mula sa hotel papunta sa pasyalan, o mula sa hotel papunta sa airport pag pauwi na ay maari mong i-taxi o commute na lang kung malakas ang loob. Kung marami kayo at kasya sa regular na kotse o van, mas maganda dahil mas makakamura kayo.
Ayan na, sana’y nakatulong kami sa mga tips na ito. Hala, byahe na!